the horrors of cooking

Hey Kids! It may have come to your attention na we're all still under quarantine na maaring maextend pa, and kung napansin ninyo, lahat ng tao ay agitated sa kani-kaniyang situation. May nangangamba para sa kinabukasan, may mga namumroblema kung saan kukunin ang susunod na kakainin, may mga gustong makauwi pero hindi pwede. We're in hell. Kung isa ka sa mga maswerte na nasa magandang kalagayan sa panahong ito, the least you can do is not send out negativity sa mga taong matindi ang pangangailangan. Mercy and compassion na lang bitch.

Isa naman sa naging hamon ng quarantine season sa mangilan-ngilang tao ay kung paano palilipasin ang oras. Yung iba, tuluyan nang nilamon ng podcasting (Hi!). Yung iba, nasalanta ng Tiktok. Yung ibang talagang wala na sigurong gagawing iba, nagsipaghubad na sa Twitter.

Ako, naging challenge sa akin ang pagkain. Dahil nasa probinsya ang mga magulang ko (which gives me peace of mind), ako lang mag-isa dito sa bahay, so walang magluluto. Before the lockdown nakapag-grocery ako ng mga "cooking stuff" and sabi ko, hindi ko ito gagalawin until magkaroon ng total lockdown at wala na akong mabiling pagkain sa carinderia. Pero hindi ko na kaya yung araw araw na chicken adobo, pakbet at ginisang ampalaya sa carinderia sa amin. Parang makita ko pa lang nasusuka na ako (arte lang).

So nagpagapi na ako at nagdesisyon na akong magluto, para makatikim naman ako ng ibang putahe.

Just to give you an idea, here's my older post kung anong skill level ko sa cooking. It's below zero. But maybe this quarantine season, may matutunan akong skill right?

This is my journey starting with two kilos of pork. Handa ka na ba?

Yung first half kilo, ginawa kong adobo. Dahil nalimutan ko na kung paano, a friend sent me a recipe. Kabilin bilinan nya, huwag hahaluin yung suka hanggang sa maluto. Sa haba ng instructions nya yun talaga ang naretain ko. Hindi ko talaga hinalo.



Dama ko yung panghuhusga na sa kawali na daw ako kumain.

Nung nagdecide ako na pagod na ako kakahintay at mukhang edible na yung karne, ihinain ko na ang luto ko sa sarili ko. Wow. Lasa syang marinade. Nung pinakita ko sa friend ko yung picture, sabi nya hindi sya sure kung adobo yung nagawa ko. Dapat daw kasi yung sabaw ay brown, hindi kulay toyo:


Hindi sya adobo, it's adon'tbo.

Ilang meals ko rin tiniis kainin yung shit na yun. At least I have three more half-kilos. Three more chances na maging miserable.

After a week, yung pangalawang half-kilo, tangina ang sarap ng ginawa ko you're gonna shit. Alam mo yung Magic Sarap? Wow hindi sila nagsisinungaling sa part ng Magic, or sa Sarap. Binudbod ko sya sa pork cuts sabay deep fry. Sobrang sarap look oh.



I consider this as one of my quarantine stories of success kahit ang dami kong talsik ng mantika sa kamay, chest, abs, upper thighs...

Makalipas ang ilang araw, alas kwatro ng umaga. Kung kelan naman talaga alanganing oras saka ako naghihiwa ng pork. Yung last pork fries ko kasi, ang lalaki ng hiwa, ang hirap kagatin. From adobo cut nagawa ko siyang igado. Then naghalungkat ako sa kusina, tangina wala nang Magic Sarap! Ayoko naman maghintay magbukas ang mga tindahan so asin na lang ang nilagay ko. Hindi ko binudburan ng asin. I coated the whole thing in asin.

Nabantayan ko syang maigi, hindi nasunog, perfect golden brown color. Ang galing ng pagkakaprito ko. Sakto naman, ang aming boss sa office, who ever since we worked home tries to make sure that we're all doing OK, requested na magsend kami sa kanya ng picture of a typical dinner.



Syempe ginandahan ko ang caption. I cooked this simple dinner as a token of my appreciation ganyan ganyan. Pero actually nung kinain ko na, tangina lasang asin. As in asin lang. Para lang akong kumakain ng asin. Wala syang ibang lasa. Hindi sya edible. Binalik ko sa ref and nagisip ako ng ways kung paano ko isasalba yung putanginang dish na yun. Naisip kong pakuluan sya, itapon yung saltwater at kainin ang matirang pork.

So I consulted again with my friend and binigyan nga ako ng genius idea: fried rice. Una, itorta ang pork sa egg. Then dagdagan ng fried rice. Syempre wala nang asin! Naexcite ako kaya kinabukasan ginawa ko na agad.

So nilagay ko na yung maalat na pork in a bowl, then added two eggs. Then saka ko narealize hindi ko pa nabati yung itlog, at hindi ko na mabati kasi nandun na yung pork. So inisa-isa kong ihiwalay yung pork sa itlog like some psychopath.

So nakagawa na ako ng scrambled eggs ang naihalo ko na yung pork from hell. Then naghiwa ako ng garlic... tapos nilagay ko ang rice and fresh garlic nang sabay.

Tangina hindi nga pala maluluto yung garlic pag ganun. At this point I have given up.



Ayun masarap sya! Haha! Love it.

Yung pang-apat na half kilo ng pork, prito na lang uli para madali. Bumili ako ng breading mix dahil isinusumpa ko na ang asin. Yung nabili kong mix pang fried chicken.



Ang galing diba? May gradient may diversity ganyan. Nung kinain ko sinabayan ko ng Mang Thomas.

Gusto kong mag-apologize dun sa baboy na kinatay para maging ganito.

0 comments. Post your comment here.:

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding